Paglaganap ng jueteng, posible – PNP chief Albayalde

Inamin ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na posibleng lumaganap ang jueteng at iba pang illegal number game kasunod ng pagpapasara ng lahat ng gaming outlet ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isang press briefing, sinabi ni Albayalde na malaki ang posibilidad nang muling pag-usbong ng jueteng.

Isiniwalat ng PNP chief na mayroon silang intelligence information na may isa o dalawang probinsya na patuloy ang operasyon ng illegal number game sa Central Luzon.

Hindi naman nito binanggit ang mga lugar na nagsasagawa pa rin umano ng ilegal na pagsusugal.

Samantala, ani Albayalde, naipasara na ang kabuuang 30,284 na PCSO gaming outlets.

Read more...