Ayon kay Zarate, kung talagang nagkaroon ng malawakang korapsyon sa ahensya ay dapat lamang itong maimbestigahan at mapanagot ang may kasalanan.
Wala aniyang alam ang publiko sa kung sino ang sinasabing mga korap ng pangulo.
Ang masakit aniya ay ang mga ordinaryong mamamayan na humihingi ng tulong sa PCSO.
Hinikayat din nito ang komite sa Kamara na imbestigahan kung mayroong paglabag sa PCSO Franchise Law.
Samantala, naniniwala si Zarate na nais lamang pagtakpan ni Pangulong Duterte ang isyu ng endo kaya nito ipinag-utos ang pagpapahinto sa operasyon ng PCSO.
Iginiit nito na ang pangulo mismo ang nangakong wawakasan ang endo pero makalipas ang tatlong taon makaraang maupo sa puwesto ay hindi pa rin ito naipapatupad.
Hindi rin aniya dapat inililihis ng Malakanyang ang isyu sa kabiguang maipasa ang endo.