6 Indonesian nationals, 3 Pinoy timbog dahil sa ilegal na pangingisda sa Tawi-Tawi

Arestado ang siyam na mangingisda kabilang ang anim na Indonesian national at tatlong Filipino dahil sa umano’y ilegal na pangingisda sa Tawi-Tawi.

Nahuli ng Maritime Police Special Operations Unit ang mga mangingisda matapos makuha ang iba’t ibang uri ng pating at iba pang endangered na isda sa kanilang bangka.

Ayon sa Maritime Police, ikinasa ang operasyon matapos ang isinagawang surveillance sa mga suspek.

Sa ngayon, nakakulong na ang siyam na mangingisda at mahaharap sa mga kaukulang kaso.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

Read more...