BREAKING: Pangulong Duterte, nagtalaga ng bagong PCA administrator

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gonzalo Duque bilang bagong administrator ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Si Duque ay nakatatandang kapatid ni Health Secretary Francisco Duque III at dating vice governor ng Pangasinan.

Nabatid na nanumpa na si Duque sa harap ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Palasyo ng Malakanyang.

Matatandaang sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, sinabi nito na naghahanap siya ng matinong taong itatalaga sa PCA para masigurong hindi makukurakot ang P100 milyong coco levy fund.

Si Gonzalo Duque ang tinukoy ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na may-ari ng gusali sa Tapuac, Dagupan City na inuupahan ng PhilHealth.

Ayon kay Lacson, may conflict of interest ito dahil si Health secretary Francisco Duque III ang ex-officio chairman ng PhilHealth.

Read more...