Mga priority measures ni Pangulong Duterte isasalang na sa komite sa kamara ayon kay Majority Leader Romualdez

Tiwala si House Majority Leader Martin Romualdez na mabilis nang makakapagtrabaho ang mga kongresista matapos mapunan ang mga key positions sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Romualdez, nakahanda na sila para isalang sa deliberasyon ang mga priority measures na binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.

Dahil organisado na ang mga kongresista, tiyak na magfu-full blast ang mga mambabatas para madaliin ang pag apruba sa mga panukala.

Nagbigay na rin aniya ng commitment ang liderato ng Kamara at Mayorya na magtatrabaho ng double-time para maaprubahan ang mga house bills sa itinakdang deadline.

Naniniwala din si Romualdez na makikiisa ang Minorya sa pagpapasa ng mga legislative agenda ng Pangulo.

 

Read more...