Operasyon ng PCSO mananatiling sarado hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon

Nilinaw ng palasyo ng malakanyang na mananatiling sarado ang gaming operation ng Philippine Charity Sweepstakes Office hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag utos na magsagawa ng imbestigasyon.

Kung pagbabasehan aniya ang trabaho ng Pangulo, tiyak na magiging mabilis lamang ang imbestigasyon at agad nang lalabas ang resulta.

Una rito, sinabi ni Panelo na papangalanan ni Pangulong Duterte ang mga malalaking tao na nasa likod ng korupsyon sa PCSO.

 

Read more...