Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi mahihinto ang charity services ng pamahalaan sa kabila ng pagpapatigil ng gaming operations ng PCSO dahil sa issue ng korapsyon.
Ayon kay Cayetano, hindi pababayaan ni Pangulong Duterte ang serbisyo publiko ng pamahalaan sa kabila nang pagpapatigil ng operasyon ng PCSO.
Bagama’t hindi pa anya sila tuluyang na-brief tungkol dito, sinabi ni Cayetano na mayroon pa namang mapagkukunan ng pondo para sa mga humihingi ng tulong.
Inihalimbawa rito ni Cayetano ang PAGCOR na isa rin aniya sa mga pinagkukunan ng pondo para sa mga malasakit center.
Sinabi ni Cayetano na ang desisyon ng Pangulo na ipasara ang STL at Lotto outlets dahil mayroon itong hawak na mga impormasyon mula sa iba’t ibang sources.
Hindi naman aniya mag-uutos ang Presidente kung wala naman itong nakikitang sapat na basehan sa kanyang desisyon kaya marapat na bigyan daw ito ng sapat na panahon para maayos ang problema.