Water level ng Angat dam muling sumampa sa 163-meter level

By Dona Dominguez-Cargullo July 29, 2019 - 08:02 AM

Sumampa muli sa 163-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, July 29, ay nasa 163.43 meters ang water level ng Angat.

Halos isang metro ang nadagdag sa antas ng tubig sa Angat kumpara kahapon na 162.40 meters.

Ang Ipo dam naman, nasa 100.93 meters ang water level, habang ang La Mesa dam ay nasa 74.10 meters.

Tanging ang San Roque dam lamang ang nabawasan ang antas ng tubig sa nakalipas na 24 oras.

Habang ang iba pang dam sa Luzon ay nadagdagan lahat ang water level.

TAGS: Angat Dam, dam status, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.