Layon nitong makapaglatag ng pangmatagalang solusyon sa problema ng illegal vendors.
Ayon kay Belmonte, kasabay ng layuning mapaluwag ang mga lansangan sa lungsod ay tiyak na maaapektuhan ang mga ilegal na nagtitinda.
Siniguro ng alkalde sa mga maaapektuhang vendor na hindi isasantabi ang kanilang kapakanan at titiyaking hindi sila mawawalan ng pangkabuhayan.
“Sa abot ng ating makakaya, sisikapin nating tulungan ang mga illegal vendor upang hindi maapektuhan ang kanilang kabuhayan at pantustos sa pangangailangan ng pamilya,” ani Belmonte.
Aminado si Belmonte na kailangan ng pangmatagalang solusyon para sa mga vendor at mabigyan sila ng pangmatagalang hanapubhay.
Nitong weekend, nagsagawa ng inspeksyon si Belmonte sa Nepa Q-Mart, Arayat Market, Munoz Market, at Balintawak Market.
Doon kinausap ni Belmonte ang mga sidewalk vendor at ipinaliwanag sa kanila ang maling pamamaraan at pwesto ng kanilang pagtitinda.