380 Chinese ikinulong sa Vietnam dahil sa illegal online gambling

Nagsagawa ng crackdown ang mga otoridad sa Vietnam laban sa online illegal gambling.

Ayon sa Vietnam Police, umabot sa 380 na Chinese nationals ang kanilang inaresto ay ikinulong.

Pawang nasa edad 18 hanggang 24 ang mga dinakip na natuklasang nag-ooperate ng online gambling websites sa mahigit 100 kwarto na sinalakay sa Haiphong City.

Sa operasyon ng grupo, hinihimok ang mga Chines gamblers na tumaya sa mga sports games at lotteries kung saan umaabot ng 3 billion yuan ($436.14 million) ang halaga ng tayaan.

Sa pahayag ng Ministry of Public Security ito na ang pinakamalaking gambling ring na natuklasan sa Vietnam.

Sa mga ginawang pagsalakay ay may nakumpiskang 2,000 smartphones at 530 computers.

Read more...