5,000 slots para sa TNVS online registration magiging available ngayong araw – LTFRB

Mayroong panibagong 5,000 slots na magiging available mula ngayong araw ng Lunes, July 29 para sa online registration ng mga Transport Network Vehicle Service o TNVS.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) maari nang mag-register online ang mga TNVS driver.

Tatanggapin ang online registration ng hanggang sa 5,000 aplikante.

Magtungo lamang sa link na https://ltfrb.ph.net/tnvs para mag-apply at sundin ang instructions doon.

Magugunitang ginawa nang online ng LTFRB ang aplikasyon para sa provisional authority sa TNVS upang hindi na pumipila ng mahaba ang mga aplikante sa LTFRB office sa Quezon City.

Read more...