Direktor ng national intelligence sa US magbibitiw sa pwesto ayon kay Trump

Inanunsyo ni US President Donald Trump na nakatakda nang magbitiw sa pwesto si Director of National Intelligence Dan Coats.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Trump na hanggang sa August 15, 2019 na lang si Coast matapos ang dalawang taon nitong panunugkulan sa pwesto.

Ayon kay Trump, si Texas congressman, at Republican John Ratcliffe ang napili niyang i-nominate para sa mababakanteng pwesto.

Kamakailan, nalantad ang mga balitang hinihikayat umano ni Trump si Coats na itanggi ang naging papel ng Russia sa kampanya noon ni Trump.

Read more...