Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 380 kilometro Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Mataas ang tyansa na maging ganap na bagyo ang LPA ngunit inaasahang kikilos ito papalabas ng West Philippine Sea.
Palalakasin ng sama ng panahon ang Habagat na magdadala ng pag-ulan sa bansa.
Ngayong araw makararanas ng pag-ulan sa MIMAROPA at mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Bataan at Zambales dahil sa southwest monsoon o Habagat.
Maulap na kalangitan din na may pabugso-bugsong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila, Mindanao, Visayas, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Bicol Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON dahil pa rin sa Habagat.
Generally fair weather ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa na may posibilidad naman ng mga pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.