Sunog sumiklab sa isang commercial area sa Quezon City

Sumiklab ang sunog sa isang commercial area sa Panay Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City Linggo ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, partikular na nasunog ang isang palapag ng Isla Bar and Grill Restaurant.

Pasado alas-10:00 nang gabi nang magsimula ang sunog at itinaas ang unang alarma alas-11:02.

Makalipas naman ang halos kalahating oras o eksakto alas-11:31 ay tuluyan nang naapula ang apoy.

Wala namang nasaktan sa sunog at patuloy na inaalam ang sanhi nito at ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Read more...