Sa ulat ng state-run Xinhua news agency, nasa 20 bahay ang nabaon sa lupa sa lalawigan ng Guizhou.
Umabot sa 40 katao ang naligtas mula sa pagguho sa Shuicheng county.
Sinasabing kabilang ang dalawang bata at isang nanay na may sanggol na anak sa mga nasawi ngunit hindi pa kumpleto ang detalye.
Gumagamit na ng malalaking panghukay ang rescuers para sa search and rescue operations na nilaanan na ng gobyerno ng aabot sa 30 million yuan.
Ang landslide ay bunsod ng nagpapatuloy na pag-uulan sa ilang bahagi ng China.
Sa ngayon, nagsisilbing emergency medical and rescue center para sa mga biktima ang isang local school.
Ang landslide ay karaniwan sa mga probinsya at bulubunduking bahagi ng China sa panahon ng tag-ulan.