2 patay sa vehicular accident sa Camarines Sur

Nasawi ang dalawa katao makaraang bumangga sa puno ang isang ambulansyang may sakay na babaeng buntis sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur, Linggo ng umaga.

Dead-on-the-spot sina Rhodora Labanon at Janice Eva na pawang midwife at nurse.

Ayon sa mga awtoridad nawalan ng kontrol sa manubela ang drayber na si Jose dela Rama.

Ang babaeng buntis naman na nakilalang si Hanelen Mendoza ay nakaligtas kasama si Dela Rama at ang tatlo pang pasahero ng ambulansya.

Agad silang dinala sa Bicol Medical Center para bigyan ng atensyong medikal.

Read more...