Hinikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamahalaang lokal ng Batanes na isailalim na sa state of calamity ang lugar.
Ito ay kasunod ng tumamang dalawang malakas na lindol sa lugar kung saan walo katao ang nasawi.
Sa press briefing sa Basco airport kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na dapat ikonsidera ang pagdedeklara ng state of calamity sa Batanes.
Makatutulong aniya ito para magpadala pa ng tulong ang iba pang ahensiya ng gobyerno sa lugar.
Matatandaang yumanig ang 5.9 at 5.4 magnitude na lindol sa Itbayat Sabado ng umaga.
Sinabi ng ahensya na hindi bababa sa limang barangay sa Itbayat ang lubhang apektado ng lindol.
MOST READ
LATEST STORIES