Isang Muslim group, pabor na palawigin ang Martial law sa Mindanao

Pabor si Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace chairman Datu Basher Alonto na palawigin ang martial law sa Mindanao region.

Sa Balitaan sa Maynila forum, araw ng Linggo, inihayag ni Alonto na malinaw ang kanilang panawagan na palawigin ang batas militar sa rehiyon.

Sinabi nito na naging maganda ang resulta ng aniya’y nagsilbing gamot sa nakalipas na dalawang taon sa rehiyon.

Nabawasan aniya ang naitalang marahas na insidente sa rehiyon sa nakalipas na 2019 midterm elections.

Dagdag pa nito, maayos ding naipapatupad ang mga batas sa rehiyon.

Dahil dito, nagpasalamat si Alonto na nandiyan si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-iisip kung ano ang dapat gawing hakbang sa rehiyon.

Nagsimulang isailalim sa Martial law ang Mindanao nang sumiklab ang giyera sa Marawi City taong 2017.

Read more...