Regine Velasquez, Sharon Cuneta magkakasama sa isang concert

Photo courtesy: Instagram accounts of Regine Velasquez and Sharon Cuneta

Kasado na ang pagsasama nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Megastar Sharon Cuneta sa isang concert ngayong taon.

Sa Instagram, inanunsiyo ng dalawang batikang singer ang kanilang concert sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang larawan.

Ayon kay Sharon, pangarap niyang makasama sa isang entablado si Regine.

Dalawang araw gaganapin ang “Iconic” concert sa Smart Araneta Coliseum sa October 18 at 19, 2019.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa isang concert sina Regine at Sharon.

Read more...