Tumama ang magnitude 3.4. na lindol sa Batanes, Linggo ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 40 kilometers Southwest ng Itbayat bandang 2:40 ng hapon.
May lalim ang lindol na 16 kilometers at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershock ng yumanig na 5.9 magnitude na lindol sa Batanes noong July 27.
Wala namang nasirang ari-arian sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES