Isang estudyante ng PUP, NPA intel officer timbog sa Occidental Mindoro

Arestado ang isang college student at kasamahan nito makaraang mahulihan ng hindi lisensyadong armas sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Kapwa kinumpirma nina Occidental Mindoro police chief Col. Joseph Bayan at Philippine Army 203rd Brigade head Col. Kit Teofilo ang pagkakaaresto kina Nadeline Fabon, 21-anyos na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), at si Reynaldo Malaborbor alyas ‘Ace.’

Pinaniniwalaang miyembro sina Fabon at Malaborbor ng New People’s Army (NPA).

Nahuli ang dalawa sa sinasabing safe house ng mga rebelde sa bayan ng Sta. Cruz dakong 5:00, Sabado ng hapon.

Ani Teofilo, si Fabon ay isang political instructor ng NPA at tumulong din sa pangingikil ng mga revolutionary taxes habang si Malaborbor naman ay intelligence office ng grupo.

Narekober aniya sa dalawa ang caliber 45 na baril at 9mm na mga baril at pampasabog.

Kapareho rin aniya ang mga nakuhang pampasabog sa narekober ng militar sa bakbakan sa ibang bayan sa naturang probinsya.

Read more...