Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, may mapagkukunan pa ang pamahalaan para sa mga humihingi ng medical assistance sa PCSO.
Ayon kay Panelo, mayroon pang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na umaayuda sa pamahalaan.
Bukod dito, sinabi ni Panelo na maari ring magpalabas ang Office of the President ng pondo mula sa discretionary fund.
“Eh mayroon pa naman tayong PAGCOR diba, sa Office of the President, mayroong discretionary fund ng Presidente,” pahayag ni Panelo.
Makapagbibigay pa aniya ng medical assistance ang gobyerno kahit sarado na ang gaming operations ng PCSO.
Payo ni Panelo, sumulat lamang sa tanggapan ni Pangulong Duterte o dumulog sa mga tanggapan ng PAGCOR para makahingi ng medical assistance.
“Eh gaya nga ng sinabi ko kahapon, yung nangangailangan ng tulong, sumulat lang po kayo. We will direct your request to PAGCOR sa Office of the President. At makakaasa kayo na ang pamahalaan at nakalaan pa ring tumulong sa kanila,” ani Panelo.