Ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan mawawalan ng kuryente

Ilang bahagi ng Metro Manila at parte ng Luzon ang mawawalan ng suplay ng kuryente sa mga susunod na araw.

Sa abiso ng Manila Electric Company (Meralco), makararanas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at ilang karatig-lalawigan.

Sa Caloocan City partikular sa Camarin ay mawawalan ng suplay ng kuryente sa araw ng Martes, July 30 at sa Miyerkules, July 31 sa pagitan ng 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw.

Dahilan nito ay ang pagsasaayos sa mga pasilidad sa Camarin road.

Sa bahagi ng Pembo sa Makati City naman, walang kuryente sa Miyerkules sa pagitan ng 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Magsasagawa naman ang Meralco ng reconductoring ng mga pangunahing linya sa Target Range Boulevard sa Barangay Pembo.

Sa Sampaloc sa Lungsod ng Maynila, mawawalan ng suplay ng kuryente sa Martes, July 30, sa pagitan ng 8:30 ng umaga at 2:30 ng hapon. Ang dahilan naman nito ay ang pagpapalit ng poste sa Dapitan Street.

Sa Pandacan, Maynila sa pagitan ng 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ang dahilan naman ayon sa Meralco ay ang paglipat ng mga pasilidad na apektado ng Skyway Stage 3 construction project sa Labores Street sa Pandacan, Manila.

Sa August 2 at 3 naman, araw ng Biyernes at Sabado, ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Cupang sa Muntinlupa City. Ang power interruption ay sa pagitan ng 11:30 ng gabi ng Biyernes at 4:30 ng madaling araw ng Sabado.

Ang dahilan naman ay ang pagpalit ng mga poste at line reconstruction works sa South Luzon Expressway West Service Road sa Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Read more...