Ben Simmons kumalas sa Australia exhibition games

Hindi na itinuloy ni National Basketball Association (NBA) star Ben Simmons ang pagsama sa Australia basketball team na lalaban sa exhibition matches sa Canada at Estados Unidos.

Ayon kay Simmons, mas pinipili niya na maghanda para sa susunod na NBA season makaraang pumirma ng $170 million dollars na kontrata sa Philadelphia 76ers.

Dagdag pa ng NBA star, napag-usapan na nila ni Australia coach Andrej Lemanis na mas makabubuti kung hindi na lamang siya maglaro sa 2019 World Cup and exhibition games.

Ummasa naman si SImmons na makakapaglaro pa siya para sa Australia sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Buo pa rin naman aniya ang kaniyang suporta sa naturang kupunan kahit na siya ay pansamantalang umalis.

Read more...