2 tulak ng droga, arestado matapos ma-trap sa metal box sa Belgium

Timbog ang dalawang suspek sa pagtutulak ng droga makaraang ma-trap sa kanilang drug shipment sa pantalan ng Antwerp sa Belgium.

Ayon sa ulat ng awtoridad, nasa loob ng isang metal box ang dalawa nang tumawag ang mga ito sa pulisya nang hindi kayanin ang init ng panahon.

Sa araw na iyon ay naitala ang 40 degrees Celsius na temperatura sa lugar na ikinokonsiderang pinakamainit na araw sa nasabing bansa.

Umabot sa dalawang oras ang paghahanap sa mga suspek na agad sumuko sa mga otoridad.

Ayon sa Gazet, kukuhanin dapat ng mga suspek ang droga sa loob ng container nang bigla itong maipit.

Daang-daang kilo ng droga naman ang narekober sa naturang metal box na dapat ay kukuhanin ng dalawang tulak ng droga.

Read more...