Pagpapasara sa PCSO, hindi pa matukoy kung permanente—Malakanyang

Hindi pa matukoy ng Palasyo ng Malakanyang kung temporary o permanente nang ipinasasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaya ng Lotto, Peryahan ng Bayan, Keno, Small Town Lottery (STL), at iba pa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa ngayon inaaral pa ni Pangulong Duterte ang sitwasyon sa PCSO.

Bukod dito, sinabi ni Panelo na hindi pa aniya tapos ang ginagawang imbestigasyon sa PCSO.

Read more...