Pangulong Duterte, inaasahang darating sa Batanes

Nakatakdang dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Itbayat, Batanes ngayong tanghali.

Bibisita ang pangulo sa lalawigan upang tignan ang kalagyan nito matapos ang naranasang kambal na lindol sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, umalis ang pangulo sa Davao City bandang alas 10:30 ng umaga.

Ipinag-utos na rin ng punong ehekutibo sa lahat ng departamento na magbigay ng tulong sa mga residente sa Batanes partikular sa bayan ng Itbayat.

Dagdag pa ni Panelo, nakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa mga nawalan ng mahal sa buhay dulot ng trahedya.

Nanghingi naman na si Batanes Governor Marilou Cayco ng tulong sa Malakanyang ngunit dahil sa sama ng panahon ay hindi maipadala ang relief items sa lugar.

Read more...