At sa unang isang oras ng pagbubukas sa mga sinehan ng pelikulang “My Bebe Lve” ay kumita na ito ng P1 million.
Sa tweet ng director ng pelikula na si Jose Javier Reyes, nagpasalamat ito sa mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pagtangkilik sa “My Bebe Love”.
Sinabi ni Reyes na si Octo Arts Films executive producer Orly Ilacad ang nagkumpirma sa kaniya ng nasabing balita.
Ayon sa director, hindi niya maipaliwanag ang kaniyang labis na pasasalamat sa AlDub nation dahil sa suportang ipinakita nila. “It’s not the box office count but the love & support that you are showing that is making me speechless with joy, ALDUB NATION. Love you guys,” ayon kay Reyes.
Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas at nang tamalang Maine at Alden.