Mahigit 80 libong katao pa ang nagdiwang ng Pasko sa mga evacuation centers matapos maapektuhan ng nagdaang bagyong Nona.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 16,833 na pamilya o katumbas na 80,885 na indibidwal pa ang nananatili sa mga evacuation centers.
Ang mga pamilyang nasa mga evacuation centers ay pawang mga nawalan ng tirahan matapos mawasak ng bagyong Nona.
Pawang mula sa 4 na lungsod at 71 munisipalidad sa 14 na lalawigan sa Regions 3, 4-A, 4-B, 5 at 8 ang mga inilikas na pamilya.
Mayroon pa ring 7 lungsod at 59 na munisipalidad ang nananatiling walang kuryente.
Sa pagtaya ng NDRRMC, umabot sa P6.46 billion ang kabuuang halaga ng pinsala ng bagyong Nona. P2.1 billion dito ay sa imprastraktura at P4.3 billion sa agrikultura.