Russell Westbrook, pumirma na ng kontrata sa Houston Rockets

Pumirma na ng limang taon na supermaximum contract si National Basketball Association (NBA) Superstar Russell Westbrook sa Houston Rockets.

Ayon kay Westbrook, sisiguraduhin niyang mabibigyan niya ng kampyonado ang Rockets.

Kumpiyansa si Westbrook na aabot hanggang championship ang bagong kuponan niya dahil makakasama niya si James Harden na dati na ring naging Most Valuable Player (MVP).

Nagkasama na rin sina James Harden at Russell Westbrook ng tatlong seasons sa Oklahoma City noong 2012.

Read more...