Mahigit 2,000 PCSO outlet, naisara na ng NCRPO

Umabot na ng 2,175 na nga Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outlets ang naiparasa ng National Capital Region Police Office(NCRPO) araw ng Sabado, July 27.

Base sa tala ng NCRPO, naisara na ng:

– Nothern Police District (NPD) ang 487 outlets
– Eatern Police District (EPD) ang 300 outlets
– Manila Police District (MPD) ang 450 outlets
– Southern Police District (SPD) ang 562 outlets
– Quezon City Police District (QCPD) -ang 376 oulets

Ayon kay NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar, 100% na naipasara ang mga gaming outlets ng PCSO sa kalakhang Maynila.

Aniya, sinigurado niya na bago matapos ang araw ng Sabado ay wala ng mag-ooperate na mga gaming outlet ng sa ilalim ng naturang ahensya.

Sinabi rin nito na patuloy silang mag momonitor para masiguro na walang lalabag sa kautusan ng pangulo.

Matatandaan, ipinagutos ni Pangulong Duterte ang pagpasara sa lahat ng gaming scheme ng PCSO tulad ng lotto outlets, Small Town Lottery, Keno at Peryahan ng Bayan matapos madiskubre ang diumano’y talamak na korapsyon sa ahensya.

Read more...