Pinoy at crew ng oil tanker na hinarang ng Iran, maayos ang kondisyon

Mabuti ang kalagayan ng Pilipino at iba pang crew members ng Stena Impero, isang british-flagged na oil tanker, na hinarang ng Iran ngayon buwan.

Ayon sa mga opisyal ng embahada ng India, Russia, at Pilipinas, nakipagkita sila sa mga tauhan ng nasabing barko at sinabing mabuti ang kalusugan ng mga ito.

Umaasa naman ang Stena and Northern Marine Management na mareresolba na ang isyu sa lalong madaling panahon at bukas sila sa pakikipagdayalogo kasama ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno.

Nais lamang nila na maayos na mapalaya ang crew at ang vessel na hinarang ng Iran.

Matatandaan na ang Steno Impero ay kinuha ng Iran noong July 19 bilang paghihiganti sa pagkahuli ng britian sa isang tanker na pagmamay-ari ng Iran.

 

Read more...