Lea Salonga masaya na mapasama ang larawan sa libro ng Broadway Stars

Ikinagalak ni Lea Salonga ang mapabilang siya sa cover ng librong pambatang “A Is for Audra: Broadway’s Leading Ladies from A to Z” nina John Robert Allman at Peter Emmerich.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Lea na malaking karangalan para sa kaniya ang mapabilang sa mga broadway legends sa naturang libro.

Itinatampok sa aklat sina Audra Mcdonal na six-time Tony Award Winner, film and stage actress na si Angela Lansbury, si Carol Channing , at Patii Lupone.

Matatandaang nagsimula ang theater career ni Lea sa edad na 18 sa pagganap na Kim sa play na “Miss Saigon.”

Ilalabas naman ang nasabing libro na nagkakahalaga ng $32.99 o P1,680 sa November 12.

Lahat ng kita mula sa pagbebenta ng mga aklat ay mapupunta sa beneficiaries na Broadway Cares/Equity Fight AIDS.

Read more...