Pilipinas Ultimate nanalo ng 2 medalya sa Frisbee tournament

Nakapag-uwi ng dalawang medalya ang national frisbee team Pilipinas Ultimate mula sa 2019 Asia Oceanic Ultimate Guts Championship na ginanap sa Shanghai sa China, Araw ng Sabado, July 27.

Natalo ng Pilipinas Ultimate mixed team ang kopunan Japan sa score na 12-7 kung saan nakuha ang gold medal para sa back-to-back championships.

Naipanalo rin ng mixed team ang kanilang 7 pang ibang laban.

Samantala, nakapag-uwi naman ng bronze medal ang Pilipinas Ultimate women’s team makaraang matalo sa laban sa Australia sa score na 13-9.

Nakuha naman ng Japan ang gold medal sa women’s category sa score na 15-10.

Bigong makakuha ng medalya ang men’s team matapos matalo sa semis kontro Japan sa score na 15-9.

Matatandaang nakapag-uwi ng tatlong medalya ang Pilipinas Ultimate sa 2019 Asia Oceanic Beach Ultimate Championship na ginanap sa Japan.

Read more...