Epekto ng PCSO ban sa health care funds, tinitignan ng DOF

Sinusuri na ng Department of Finance ang posibleng maging epekto sa magiging pondo ng Universal Health Care Act.

Ito ay matapos ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, tinitignan na nila kung gaano kalaki ang dapat ipapasok na pondo ng PSCO sa naturang health program.

Nauna ng sinabi ng kalihim na kinakailangan ng P195 billion upang maimplementa ang universal health care simula sa susunod na tao.

Magmumula ang nasabing pondo sa badyet at kita mula sa six tax reform, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), at PCSO.

Hindi pa rin tukoy kung hanggang kailan ipapatuban ang ban sa naturang ahensya.

Nilinaw naman ni Pagcor Chair Andrea Domingo na hindi sakop ng ban ang mga Pagcor licensees tulad ng mga casino.

Matatandang na noong July 27 ay sinuspende ni Pangulong Duterte ang operasyon ng PCSO kabilang ang Lotto, Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan, at Keno.

Read more...