Target ng mga pulis ang maglive-in partner na sina Dino Samson, 37-anyos at Marilyn Gomez, 28-anyos at mga residente ng Barangay Tatalon.
Naaktuhan naman ng mga awtoridad sa loob ng bahay ng mga suspek ang isang active member ng Philippine Army na si Rector Baguiso.
Nakuha mula sa mga suspek ang apat na maliliit ng plastic sachet na hinihinalang shabu, P200.00 na buy-bust money, P200.00 na pera at isang pouch.
Nangyari ang nasabing operasyon bandang 6:10 ng umaga ngayong araw sa bahay ng nasabing mga suspek.
Umamin naman ang maglive-in partner na sila ay nagtutulak at gumagamit ng ipinagbabawal na droga at nag-positibo naman ang nahuling sundalo sa droga.
Nakakulong na ang mga suspek sa Quezon City Police Station 11 at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.