Isang Police Officer arestado sa buy-bust operation sa Valenzuela City

Timbog ang apat drug suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa may Mcarthur Highway Malinta, malapit sa isang Gas Station, Valenzuela City, Bandang alas-5:00, Sabado ng umaga, July 27.

Nakilala ang mga suspek na sina Vanessa Bayani, 28-anyos, Marianne Salas, 34-anyos at Randy Delos Santos, 37-anyos

Ang isang suspek naman na si Jun Acosta, 42-anyos, isang police officer na naka assign sa Northern Police District o NPD

Narekober mula sa mga suspek ang anim na sachet na hinihinalang shabu, isang P500.00 na buy-bust money, Police ID ni Jun Acosta, dalawang motorsiklo na may plakang 9403 TC at 6502 SN.

 

Ayon kay Police Brigadier General Rolando Andutan, District Director ng NPD, na target nila ang tatlong high valued drug suspek at hindi nila inaasahan na lilitaw si Acosta sa lugar ng pinangyarihan ng nasabing operasyon.

Napagalam din na may kinakasama ang si Acosta na drug personality.Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

 

Read more...