Mahigit 200 na mga lotto outlet ang isinara sa Quezon City.

Sinimulan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagsasara ng lahat ng mga Lotto outlet, STL, Keno at peryahan ng bayan matapos ipagutos ni Pangulong Duterte sa pagpahinto ng mga operasyon nito.

Ayon sa QCPD Director Joselito Esquivel, ito ay pagtalima sa mga kautusan ng pangulo.

Aniya, mula ng nagsimula ang kanilang operasyon, bandang 1:00 ng hapon ngayong araw mayroon ng 237 ang naipasara na mga Lotto Outlet sa buong lungsod ng Quezon.

Sinabi rin ni Esquivel patuloy nilang susuyurin ang buong Quezon City para masigurado na maipasara lahat ng lotto outlets.

Nilagyan ng police line at dinikitan ng sign na may sulat na close ang mga lotto outlet na isinara.

Lahat ng police station ng Quezon City mula Police Station 1 hanggang 12 ay may mga operasyon na ginagawa sa pagsara ng mg PCSO gaming outlet.

 

Read more...