Malakas na lindol sa Batanes nasundan pa ng isang pagyanig

Photo: Itbayat LGU

Isa pang pang malakas na lindol ang naramdaman sa Itbayat, Batanes.

Tatlong oras matapos ang unang pagyanig, naitala ang magnitude 5.9 na lindol bandang alas-7:38 ng umaga.

Ang epicenter nito ay nasa 19 na kilometro silangang kanluran ng Itbayat.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 43 kilometro.

Naramdaman ito sa intensity VII sa Itbayat at Intensity IV sa bayan ng Basco.

Pinawi naman ng Philvocs ang anumang banta ng tsunami matapos ang pagyanig.

Sa kasalukuyan ay pahirapan pa rin ang komunikasyon sa lalawigan ng Batanes dahil sa epekto ng malakas na lindol.

Sa kanilang pahayag, sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagpadala na sila ng mga medical personnel sa mga lugar na naapektuhan ng pagyanig.

Read more...