Nakatakdang isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga personalidad na nasa likod ng malawakang katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kasunod ito ng pagpapatigil ng pangulo sa lahat ng mga uri ng sugal na pinatatakbo at nabigyan ng prangkisa ng nasabing ahensya.
“The Chief Executive will identify the culprits in due time and the full force of the law will come crushing down on them. This hydra-headed corruption will be cut off until it reproduces no more,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Kahapon ay sinabi ng pangulo na determinado siyang wakasan ang katiwalian sa PCSO na matagal na umanong pinapakinabangan lamang ng iilan.
Nagbanta rin si Duterte na hindi niya susundin ang utos ng anumang hukuman na hadlangan ang ginagawa niyang paglikinis sa loob ng PCSO.
Epektibo ngayong araw ng Sabado ay sarado na ang lahat ng mga lotto outlet pati na rin ang operasyon ng small town lotter (STL) at Peryahan ng Bayan.
Dagdag pa ni Panelo, “It appears that there is a grand conspiracy among the major players and enforcers of these government-sanctioned gaming activities and enterprises to cheat the government of its rightful shares, depriving therefore the masses of our people of receiving basic services needed by them.”