Bilang ng mga namatay sa lindol sa Batanes umakyat na sa pito

Inquirer photo

Umakyat na sa pito ang bilang ng naitalang patay sa malakas na lindol sa Batanes madaling araw ng Sabado.

Kinumpirma ni Itbayat Mayor Raul De Sagon ang pagkasawi ng lima katao matapos ang magnitude 6 na lindol.

Hindi naman  bababa sa 80 ang bilang ng mga sugatan sa naganap na pagyanig

Ang mga labi ng nasawi ay dinala na sa town plaza ng Itbayat.

Samantala, nanawagan ang alkalde ng medical evacuation ng mga nasaktan sa pagyanig para mailipat sa mga ospital sa mainland Luzon.

Nagpapatuloy ang ginagawang assessment ng mga otoridad sa mga lugar na napinsala ng lindol.

Sa paunang ulat na natanggap ng Office of the Civil Defense, mga bahay ang karamihan sa mga nasira ng pagyanig.

Read more...