Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay nasa layong 19 kilometro Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes at may lalim na 43 kilometro.
Naitala naman ang intensity IV sa Basco, Batanes.
Nagbabala ang ahensya sa posibilidad ng pagkasira sa mga ari-arian at nag-abiso rin sa magaganap pang aftershocks.
Wala namang namataang mga banta ng tsunami sa lugar.
Samantala, nauna nang itinaas ng Phivolcs-DOST ang magnitude 5.4 na lindol na tumama sa kaparehong lugar kaninang alas-4:16 ng madaling araw na may layong 12 kilometro ang episentro at may lalim na 12 kilometro.
Ayon pa sa ulat ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity VI sa Itbayat, Batanes.
Intensity III naman sa Basco at Sabtang, Batanes.
Habang kaninang alas-3:39 ay magnitude 3.3 namang pagyanig ang naitala sa bahagi ng Batangas.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometro Timog-Kanluran ng Calatagan.
May lalim naman itong 120 kilometro.
Hindi nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Tectonic ang pinagmulan ng mga naitalang mga pagyanig.