Sa 4am weather update ng PAGASA, sinabi ni weather specialist Meno Mendoza na Southwest Monsoon o Habagat pa rin ang nakakaapekto sa MIMAROPA, Metro Manila, Gitnang Luzon, Bicol Region at Kabisayaan.
Magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat bunsod ng Habagat sa nasabing mga lugar.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon at halos kabuuan ng Mindanao ay pangkalahatang maalinsangan ang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Walang nakataas na gale warning sa kasalukuyan saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas ang pagpalaot.