Sa kanyang mensahe na inilabas ng PCOO Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ang malawakang kurapsyon ang dahilan kaya niya ipinahinto ang operasyon ng PCSO games.
“Sa mga kababayan ko, I have today ordered the closure, the stoppage of all gaming chemes of whatever nature however that got the franchises to do so from PCSO,” pahayag ng Pangulo.
Partikular na inutos ng Pangulo na tigil-operasyon ang lahat ng lotto games, Keno, STL, Peryahan ng Bayan at ibang pang nasa ilalim ng PCSO.
Kasabay nito ay inutusan ng Pangulo ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatupad ang kanyang direktiba at arestuhin ang mga magpapatuloy ng operasyon o lalabag sa kanyang utos.
Sinabi pa ni Duterte na hindi niya kikilalanin ang anumang utos mula sa anumang korte na magpapahinto sa kanyang kautusan.
Nais ni Duterte na imbestigahan ang isyu ng katiwalian sa operasyon ng naturang mga number games.