Nakapaloob sa City Ordinance 2853-2019 na ang mga pampublikong sasakyan, trak at bus ay hindi na maaaring pumasok sa Barangay Sikatuna Village.
Ipatutupad ang one way traffic sa Mahiyain St., Matipid St., Maimpok St., Masunurin St., Anonas, Maamo St., Matino St., at Madasalin St.
Maaari naman magparada ng saksakyan sa No. 15 to No. 18 ng Matipid St., Maamo St. kanto ng Mahiyain St. papuntang No. 158 Matimtiman St., at kanto ng Madasalin St. hanggang No. 54 Madasalin St.
No parking sa Malihim St. kanto ng Anonas hanggang, kanto ng Maamo St., kanto ng Mapagkawanggawa St. (both sides), Maningning St. kanto ng V. Luna hanggang kanto ng Maamo Street (both sides), Anonas Extension both sides, Mapagkumbaba Street both sides.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang mga punong barangay, barangay kagawad, chairperson on peace and order, at Barangay Public Safety Officer ay inatasan na magpatupad sa nasabing bagong traffic scheme.