Mga pinoy bumisita sa NASA sa Florida

Bumisita ang grupo ng mga Filipino sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) Kennedy Space Center sa Florida, USA.

Sa inilabas na pahayag ng U.S. Embassy sa Maynila, ito ay resulta ng pagkakapanalo ng Team iNON sa NASA Space Apps Challenge.

Bumisita sina Revbrain Martin, Marie Jeddah Legaspi, Julius Czar Torreda, Matthew Concubierta at Migs de Guzman sa space center mula July 22 hanggang 24, 2019.

Aabot sa 1,395 na grupo mula sa buong mundo ang sumali sa isang application-making challenge.

Bumuo ang team iNON ng ISDApp na layong makatulong sa mga lokal na opisyal ng gobyerno para makapagbigay ng impormasyon sa mga mangingisda ukol sa panahon at kondisyon ng dagat.

Pinangunahan ang challenge ng U.S. Embassy sa Maynila katuwang ang De La Salle University (DLSU) noong October 2018.

 

Read more...