Gretchen Baretto nagpadala ng bulaklak kay Bea Alonzo

Nagpadala ng bulaklak ang aktres na si Gretchen Barretto kay Bea Alonzo kasunod ng kumakalat na isyu ng hiwalay na umano sila ng nobyong si Gerald Anderson.

Nag-post si Bea ng larawan sa kaniyang Instagram Stories kung saan makikita ang ipinadalang puting Orchids na nakalagay sa paso.

Nakapaloob pa sa bulaklak ang note na, “Sending you LOVE. Love, Ate Gretchen.”

Nagsimulang kumalat ang isyu matapos mag-post sa Instagram si Bea na tila pahapyaw sa pinagdadaanan ng kanilang relasyon ni Gerald.

Matatandaang nag-viral ang larawan nina Gerald at Julia Barretto na magkasama sa birthday party ni Rayver Cruz.

Read more...