Hinuli sina Conrado Ganaban at Jonathan Bukirin sa ikinasang operasyon ng Taguig police katurang ang Philippine Dental Association (PDA) sa Barangay Ususan.
Ayon sa pulisya, hindi nagtapos ng Dentistry ang mga suspek na gumagawa ng pustiso at braces.
Inamin naman ni Ganaban na natutunan niya lang ang paggawa ng pustiso at braces sa kaniyang asawa na nag-aral ng nasabing medical course ngunit wala pang lisensya.
Nakumpiska sa bahay ng suspek ang ilang gamit tulad ng bracket, impression tray at iba pa.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007.
MOST READ
LATEST STORIES