Memorandum order na nagbabawal sa pagbiyahe ng e-trike sa Maynila nilagdaan na ni Mayor Isko Moreno

Pormal nang nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang memorandum na nag-aatas ng pagbabawal sa mga e-trike na bumiyahe sa lungsod.

Sa memorandum ni Moreno inaatasan si Manila Traffic and Parking Bureau chief Dennis Viaje na ipatupad ang pagbabawal sa operasyon ng e-trike.

Ito ay habang hinihintay ang isasagawang konsultasyon sa Manila City Council.

Ayon sa alkalde sa isinagawang beripikasyon, natuklasang bumibiyahe ang mga e-trike nang walang prangkisa mula sa Sangguniang Panglungsod.

Dahil dito, hindi aniya nagkaroon ng oportunidad para inspeksyunin ang road worthiness ng e-trikes.

Mayroon din umanong kwestyon sa legalidad ng mga e-trike at e-bike kung ito ba a maikukunsiderang motor vehicles.

Read more...