Jennylyn Mercado muling lumagda ng kontrata sa GMA-7

Mananatiling ‘Kapuso’ ang aktres na si Jennylyn Mercado.

Muling lumagda ng kontrata si Jennylyn sa GMA-7.

Ayon kay Jennylyn sa 16 na taon niya sa GMA ay itinrato siyang anak at pamilya.

Kwento pa ni Jen, noong siya ay nabuntis inakala niyang hindi na siya makababalik sa showbiz pero tinanggap pa rin siya ng buong-buo at hindi siya pinabayaan.

Present sa contract signing sina GMA Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA Executive Vice President at CFO Felipe S. Yalong, GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable, at ang manager ni Jennylyn na si Katrina Aguila.

Read more...